Bata pa lang pinangarap ni Crisha Salcedo magkaroon ng masaya at kumpleto na pamilya na hindi niya naasam sa buhay nya, lumaki sa bahay ampunan simula iwan sya ng kanyang ina limang taon gulang pa laman sya at wala din sya kinikilalang ama. Kaya naman pinangako nya sa sarili nya magkaroon siya ng masaya at kumpleto na pamilya. Pero siguro nga masyado malupit ang tadhana sa kanya dahil sa asawa nya pa lang nakikita niya na hindi sya magkakaroon ng pangarap nya, dahil para siyang bacteria kung iwasan at pagdirihan. Sino nga ba siya para mahalin ng isang Kiroshi Monterey na pinagkasundo lang sa kanya para maalis lang sya sa tinutuluyan nya na bahay ampunan,pero bata pa lang siya gusto nya na ang binata kaya hindi na siya nag atubilihin tanggapin ang alok ng mag asawang Monterey na pakasalan ang pangalawang anak na lalaki Pagbibigyan ba siya ng tadhana na sumaya at matupad ang pangarap nya o habang buhay na lang siya magdudusa sa piling ng asawa na walang pagmamahal para sa kanya?