Si Ronron ay tulad ng ibang kabataan na adik sa modern technologies. Malaking porsyento ng kanyang oras sa pang araw araw ay dito nya ginugugol. Mula sa cellphone,computer at iba pa. Mahiyain sya sa personal kaya sa teknolohiya na lamang sya naglalabas ng mga hinaing at sama ng loob. Dito nya rin nakilala ang babaing inakala nyang minamahal sya tulad ng pagmamahal nya dito. Ngunit bigla na lamang itong nakipaghiwalay sa kanya ng walang sapat na dahilan. - - Malungkot at bigo, tinanggap na ni Ronron na malas sya pagdating sa larangan ng pag ibig. Tinuod na lamang nya ang atensyon sa pag aaral at pamilya. Ngunit sadyang may kakaiba atang trip ang tadhana. Isang araw, nakapulot si Ronron ng isang lumang modelo ng cellphone. Dahil sa luma at hatalang itinapon ng may ari, inakala nyang wala ng silbi ang aparato kaya ibinigay na lamang nya ito sa nakababatang kapatid para maging laruan. Hanggang sa nagulat sya ng biglang tumunog ang cellphone sa kalagitnaan ng gabi at marinig ang pinakamalamyos na tinig. Si Angel.
42 parts