Pwede mo bang ibigin ang isang taong nabibilang sa ibang panahon? Hirap man sa buhay ay determinadong makamtan ni Odessa ang mga pangarap. Nais niyang maging sikat na modelo at makapunta sa Amerika. Nais niyang maiahon ang pamilya sa hirap. Nais niyang maging matagumpay. Pero nagbabadyang masira ang mga pangarap niya dahil sa pagdating ng isang wirdong lalaki. Hindi lang ito basta makaluma, sobrang out of this millennium ito. Pero kahit ganoon ay katangi-tangi pa rin Lucas. Pinapahalagahan kasi siya at pinagtatanggol kahit pa ikapahamak nito. Pero paano na lang kung sabihin ng lalaki na hindi ito mula sa panahong ito? Paano na lang ang puso niyang nagsisimula na itong mahalin? Ang istoryang ito ay nanalo ng FIRST PLACE sa FILIPINO Category sa Phoenix Awards 2018 dito sa Wattpad. 🎉🎉🎉 Nakakataba talaga sa puso ang ma-recognize ito.