Ella was 14years old ng makilala niya ang first love niya. Ano bang alam niya sa pag-ibig, kundi ang kiligin sa mga mumunting bagay na akala niya totoo na. Pag-ibig na akala niya puppy love at mananatili na lang sa nakaraan niya. He is Micheal a 19 years old Marine student. Likas sa kanya ang pagiging babaero. Ngunit bago pa siya maging babaero ay nakilala niya ang tunay na pag-ibig ng buhay niya. Si ella, kaisa-isang babaeng pinag-alayan niya ng tunay na pag-ibig. Sayang lang at tadhana mismo naghiwalay sa kanila, at mula nun wala na siya ginawa kundi maglaro sa pag-ibig. Sadyang mapagbiro ang tadhana. Muli ay nagtagpo ang kanilang mga landas pagkatapos ng anim na taon. At sa pagtatagpong yun ay nagbalik ang lahat lahat, higit pa sa ala-ala ng nakaraan kundi pati ang pag-ibig na dati na nilang naramdaman para sa isa't isa. Ang unang pagtatagpo ay nasundan ng pangalawa, at isa pa.. Pero alam nilang hindi ito dapat.. Dahil sa pagbabalik ng nakaraan, may nabago na.. At yun ay may asawa na si Michael.