Ito ay isang pagtitipon ng mga kaisipan na naglunsad sa ideyolohiyang Reporma sa pananampalataya. Ito ay pasisimulan sa Siyamnapu't Limang Sanaysay sa Kapangyarihan at Bisa ng Indulhensiya na isinulat ni Martin Luther noong Oktubre 31, 1517. Ito ay aking ginawa sa karangalan ng ika-500 taong anibersaryo ng pananampalatayang Protestantismo. Ito ay sa aking lubos na paniniwala na ang protesta na isinulong ni Martin Luther at ng iba pang Repormador ay hindi pa natatapos. Patuloy itong protesta laban sa maling katuruan patungkol sa kaligtasan.