Hindi ito ang kuwento ni Cinderella. Hindi kay Aurora, Snow White o kaya kay Ariel. Hindi rin naman kay na Mulan, Pocahontas, Rapunzel at Romeo & Juliet. At mas lalong hindi related sa kwentong Princess and the Frog. Ito ay ang kuwento ko. Kuwento na kung saan hindi ko sinasadyang maging isang prinsesa, at nakatakdang ikasal sa isang prinsipeng hindi man lang alam ang pangalan. It's really unexpected for me dahil ako ay simpleng teenager lamang. Isang teenager na kung saan binubuhay at pinag - aaral ang sarili sa pamamagitan ng pagiging working student. Ngunit dati, lumaki ako sa pamilyang buo at masaya. Isang batang naniniwala sa Fairytales and Happy Endings, ngunit sa isang iglap ... Nawala lahat. Naging matamlay lahat ng bagay simula noong nangyari ang isang tragic na pangyayari sa aking pamilya until something happened that change not only my social class but my WHOLE life. Ito ay nung ako ang itinanghal na prinsesa at naging asawa ng isang prinsipe. Ano kaya ang magiging ending sa storya namin kung sobrang magkaiba, AS IN! Ang mundong aming ginagalawan pati na rin ang aming mga ugali? Magiging happy ending pa ba kaya?