Falling For The Wrong Guy (Published under Pink&Purple!)
  • Leituras 26,931
  • Votos 241
  • Capítulos 12
  • Leituras 26,931
  • Votos 241
  • Capítulos 12
Concluído, Primeira publicação em fev 14, 2014
"Sa ating tatlo ni Skye, maaaring ako ang third party," Red said. "Ang pampagulo sa sitwasyon. Ang asongot. But I'm telling you this hindi dahil gusto kitang sulutin mula sa kanya. The truth is, hindi naman ako umaasang magkakaroon ng tugon ang damdamin kong ito para sa'yo. I just wanted you to know how I really feel about you. Iyon lang, Yssa. Sapat na sa akin 'yun."

 

At nang makita niya itong tumalikod na ay saka pa lamang nagsimulang gumana ang kanyang utak. Tila noon lamang siya nakabawi mula sa pagkakapatda.

 

"Red, wait!" she called out to him.

 

Itinigil nito ang ginagawang paghakbang palayo upang harapin siya. At nang muling magtama ang kanilang mga paningin ay nakita niyang naroon pa rin ang magkahalong emosyon sa mga mata nito, mga damdaming hindi niya kailanman inaakalang makikita niya sa mga matang iyon.

 

"Inaamin ko," aniya sa nanginginig na boses. "Na kay Skye ang lahat ng mga katangiang hinahanap ko sa isang lalaki. Gentleman... thougthful... sweet... caring... Lahat na yata ng adjective na maiisip ng isang babae para sa ideal man niya, na kay Skye na. Pero hindi ko maintindihan kung bulag ba 'tong puso ko o talagang tanga lang dahil hindi nito nakita ang lahat ng iyon. Dahil ikaw ang nakikita nitong puso ko, Red. Ikaw at 'yang pagiging antipatiko mo."

 

 

FALLING FOR THE WRONG GUY is NOW AVAILABLE in print! Please do grab a copy, guys. THANK YOU! *mwah!*
Todos os Direitos Reservados
Inscreva-se para adicionar Falling For The Wrong Guy (Published under Pink&Purple!) à sua biblioteca e receber atualizações
ou
Diretrizes de Conteúdo
Talvez você também goste
For Better, For Worse, Till Death Do Us Part (Wedding Vows), de JasmineEsperanzaPHR
22 capítulos Concluído
For Better, For Worse Puno ng pag-aalinlangan ang puso ni Annalor pero determinado siyang mamalagi sa Paraiso Almonte para kay Dave. At para na rin sa kanya. "You are invading my privacy. Hindi na allowed ang guests sa lugar na ito." Parang dagundong ang boses na nagmula sa kanyang likuran. Napalunok si Annalor. Kahit na hindi lingunin ay hindi niya maipagkakamali sa iba ang boses na iyon. Buwan ang inabot mula nang huli niyang makita ang asawa. Bigla ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. Ang nasa harap niya ay malayo sa Dave na nakilala noon. Hapis na hapis ang anyo nito. Ikinurap ni Annalor ang mga mata. Gaano man kalaki ang pagbabago sa anyo ng asawa ay hindi pa rin nawawala ang pag-ibig niya rito. At ganoon na lang ang pagpipigil niya para huwag itong abutin at yakapin nang mahigpit. "Dave..." Halos bulong na lang ang boses na lumabas sa lalamunan ni Annalor. Pero parang dinala iyon ng hangin sa pandinig nito. Seryoso itong tumingin sa kanya at saka nagtagis ang mga bagang. "Sino ka?" mariing tanong ni Dave. ----- Till Death Do Us Part Madalas sabihin ni Maris na hindi sila bagay ni Rommel. That they had nothing in common. Pero nang minsang mapagmasdan niya ang lalaki ay parang gusto na niyang kalimutan ang palaging sinasabi sa sarili. The man had class! And with Rommel, pakiramdam ni Maris ay parang naglaho ang lahat ng mga alalahanin niya sa buhay. Kaya kahit ilang beses na idinidikta ng kanyang isip na hindi sila bagay, ganoon din ang dami ng beses na itinatanggi iyon ng kanyang puso. And now she was having second thoughts...
Wedding Girls Series 16 - Samantha, de JasmineEsperanzaPHR
18 capítulos Concluído
SAMANTHA - The Caterer Bumiling siya ng higa paharap sa puwesto ng higaan ni Joshua. Ilang araw na silang magkasama sa isla. Barkada pa rin ang turingan nila at hindi gumagawa ng anumang kilos si Joshua upang mag-take advantage sa kanya. Sa sitwasyon lang nila ngayon ay isa lang siguro ang maniniwala sa isandaang taong makakaalam na ganito ang setup nila sa loob ng cottage. Hindi raw uubrang walang mangyari sa isang babae at isang lalaki kapag nagkaroon ng pagkakataong magsolo pero napatunayan niya ngayon na hindi totoo iyon. She was confident of herself being a woman. Alam niya, may taglay din siyang karisma pero hindi rin naman niya nararamdamang naiinsulto ang kanyang pagkakababae dahil sa hindi nito pagte-take advantage sa kanila. He was indeed a gentleman. Hindi niya alam kung mayroon pang lalaking kagaya ni Joshua. And she was really attracted to him. Hanggang sa mag-agaw tulog si Samantha ay si Joshua ang laman ng isip niya. Tila nahati pa nga iyon sa dalawnag bahagi. Ang isa ay nagdidikta sa kanyang aminin ang pagkahulog ng kanyang loob sa binata habang ang isang bahagi naman ay defensive na defensive sa pagtanggi. But then, her heart knew better... ----- Imee - The Cake Expert Gusto niya sanang mag-isip pero sa halip na makapag-isip siya ay ang halik ni Janus ang pumupuno sa balintataw niya. At hindi lang iyon. Kinakapa rin niya ang tunay na damdamin niya para kay Janus. Could it be possible that she was also in love with him all along? Na akala lang niya ay platonic lang ang pagtitinginan nila pero ang totoo ay wala lang nangangahas na magkaroon ng kakaibang lalim ang kanilang relasyon? She remembered their kiss again. She could still feel the fire in their kiss. Kung iyon ang pagbabatayan ay imposibleng hanggang platonic lang ang turingan nila. Besides, inamin na ni Janus na mahal siya nito. Sarili naman niya ang tatanungin niya ngayon. Mahal din ba niya ang binata?
Talvez você também goste
Slide 1 of 10
No Walls, No Ceilings, No Floor cover
Sometimes You Just Know - Volume 3 cover
For Better, For Worse, Till Death Do Us Part (Wedding Vows) cover
Unexpected Agreement cover
POSSESSIVE BACHELOR 2:ZEO FREUD cover
Sometimes You Just Know - Volume 2 cover
Wedding Girls Series 16 - Samantha cover
Ain't No Other cover
MARRYING A STRANGER cover
SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED) cover

No Walls, No Ceilings, No Floor

29 capítulos Concluído

The man of my dreams, the love of my life is marrying the woman he believes to be the love of his life... I was heartbroken, cried a river, but my love for him has no walls, no ceilings, no floor..