Lahat daw ng nangyayari sa buhay ng tao ay gawa ng tadhana. Ang tadhana na siyang nagdidikta sa kung ano ang mararamdaman o mangyayari sa buhay mo. May mga taong naniniwala sa hiling. Yung matutulala ka na lang kasi umaasa akang matupad yung nais mo. Yung panalangin mong mahalin ka rin niya tulad ng pagmamahal mo sa kanya. Yung ipipikit mo ang iyong mga mata at manalangin na balang araw matupad ang hiling mo sa shooting stars, sa wishing well, sa 11:11, sa fingers crossed at sa he loves he loves me not. Ito ang mga taong handang maghintay sa pagdating ng tunay na pagibig. Ngunit may mga taong iba ang paniniwala. Yung mas gustong tumayo at libutin ang buong mundo. Yung sila mismo ang kikilos para hanapin ang taong para talaga sa kanila. Yung mga taong di naniniwala sa shooting stars, sa wishing well, sa 11:11, sa fingers crossed at sa he loves me he loves me not. Yung taong mas pipiliin hanapin ang pagibig kesa maghintay. Pero iba iba ang tao. Iba iba ang tadhanang nakasulat sa kanila. Kung may naghahanap, may nagpapahanap. Kung may naghihintay may dumarating. May isang tao na nakalaan sa atin. Na kahit hindi man umayon ang tadhana ang pagibig mismo ang aayon sa puso nila.