Love Note

Love Note

  • WpView
    Reads 37,965
  • WpVote
    Votes 1,012
  • WpPart
    Parts 30
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Sat, Oct 2, 2021
WpInfo
Fiction
Romance
Prologue: HER POV: "Yang, nakita mo ba yung diary ko?" Tanong ko kay Yannie habang hinahalughog ko ang bag ko. "Hindi be, eh. Bakit?" Tanong naman niya. Ginulo ko yung buhok ko tapos tumingin sa kanya. "Be, nawawala 'yung diary ko." Naiiyak kong sabi. "Be, napaka-importante nun. Hindi lang 'yun basta diary." Papadyak-padyak kong sabi. Lumapit siya sa 'kin at hinagod-hagod ang likod ko. "Huwag kang mag-alala, be. Mahahanap din natin 'yan. Tutulungan kita. Pero pumunta na muna tayo sa klase natin. Late na tayo, oh." Tumango ako sa kanya at inayos 'yung bag ko saka kami umalis dun sa garden. Tama mahahanap din namin 'yun! Tiwala lang. - HIS POV: Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa garden. Umupo ako sa isang bench dun at yumuko. May napansin ako sa ilalim ng bench kaya agad ko 'yung kinuha at nakita ang isang notebook. Napangiti ako ng mabasa ang nakasulat doon. "Diary ng Babaeng Baliw" Hindi ko alam pero parang may nagtutulak sa 'king kunin 'yun at basahin. "Andyan ka lang pala, pre. Tara na! Magsisimula na ang klase!" Tawag sa 'kin ng isa kong kaibigan. Tinignan ko muli 'yung diary tsaka nilagay sa bag. "OO! NANDYAN NA! SUSUNOD NA 'KO!" Tumayo na 'ko at nagsimula ng maglakad papunta sa klase namin. - Ano kayang mangyayari? Mahahanap ba 'yung diary at mababalik sa tamang may-ari? O tuluyan ng mawawala? Ang diary na 'yun ba ang magiging tulay para makatuluyan niya ang taong gusto niya, o aasa lang siya sa wala? Abangan ang mga susunod na kabanata~! - Binibini
All Rights Reserved
#333
note
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • HE SACRIFICE HIMSELF TO MAKE ME HAPPY
  • Written Memories
  • Book 1 LOVED by YOU (Taro, Mirella, Koji)
  • That Nerd Is Mine (GXG) (COMPLETE)
  • Girls Next Dorm [Completed]
  • Love and Magic
  • Fallin' in love with my Girl [Season 1 and Season 2]
  • The Ugly Nerd of Section 3  (COMPLETED) gxg
  • THE ONE (COMPLETED)

Sei POV It's been a year since nanlamig si Kyst sakin. He's my long time boyfriend and we're together for 6 years and still counting.. But suddenly our relationship became my biggest tragedy in life.. He cheated on me. "Don't worry darling.. I don't love her and I will never be, I will make it sure for you. I'm just feel pity for her that's why hindi ko pa siya kayang iwan and also for my heirs. Once na makuha ko na ang mana ko we can finally live together." Patago akong nasasaktan sa mga sinabi niya. Alam ko naman mula nung umpisa eh. Niligawan niya ako hindi dahil sa may nararamdaman siya sakin kundi dahil sa pamanang iniwan ng lolo niya. It's a long story, but in general sabi ng lolo niya once ako ang magsign ng mga papers na yon makukuha ni Kyst ang mana niya. Pero... Hindi ko ginagawa dahil natatakot ako. Natatakot akong mawala siya sakin matapos niyang makuha ang gusto niya. Hindi ako handa at hindi ko kaya. Mahal ko siya. Sobrang mahal. Madalas yun ang bagay na pinag aawayan namin. H-hindi ko nga akalain na makakatiis ako sa kaniya ng 6 years. Yung 6 years na pahirap sakin. "Goodnight darling. See yah tomorrow. I love you." Nakangiti niyang binaba ang tawag. I love you.. Salitang pinangarap ko na sabihin niya sakin. Sana ako nalang Kyst. "What are you doing there? Nakikinig ka ba sa usapan namin?" Matalim ang tingin niya sakin at halatang hindi gustong makita ako. Tumikhim ako at pasimpleng pinunasan ang luha ko. Nagpilit ako ng ngiti at nilapitan siya. "A-ahh kararating ko lang. By the way, pwede ko bang hingin ang oras mo bukas? Kahit 5 hours lang please." Pagsusumamo ko. Kumunot ang noo niya "For what? Sorry may date kami ni Kelly bukas." "Please Kyst, nakikiusap ako..... I-it's my birthday tomorrow. Gusto ko lang magdate tayo." Mahina siyang natawa "Kelly is my priority, not you."

More details
WpActionLinkContent Guidelines