PAGSUSULAT NG EDITORYAL Sa paanong paraan mo maipahahayag ang iyong opinyon o pananaw? Pasalita, Pasulat o Pagguhit? Bilang isang manunulat, lahat ng iyan ay aking ginagawa ngunit isa lamang ang aking parating ginagamit ang Pasulat. Ikaw? Manunulat ka rin ba? Ang librong ito ay isa ring panitikan sa ating bansa ang Editoryal. Base sa aking karanasan, ako ay isang editoryalista kung saan nagsusulat ako ng mga editoryal. Ito ay isang komentaryong nagpapayo, nagtuturo, pumupuri o tumutuligsa tungkol sa kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari o isyu. Ang editoryal ay hindi lamang basta sulat kundi Ito'y naglalaman ng isang masusing pagbibigay ng kuru-kuro o pala-palagay sa mahahalaga at napapanahong isyu. Naglalayon itong magpabatid, magbigay ng kahulugan, at makalibang. Ang sumulat ay nagbibigay ng kuru-kuro alinsunod sa patakarang pinaiiral ng patnugutan. Kailanman, ang editoryal ay hindi namumuna o nanunuligsa upang makasira kundi upang magkaroon ng pagbabago. Laging tandaan kung ikaw man ay magsusulat ng ganito, isipin mo ang mga katagang "Impormasyon at kaalaman". Nakapagbibigay ka ng impormasyon at kaalaman na siyang magsisilbing aral sa mga mababasa. Maligayang Pagababasa!!All Rights Reserved