"Boy's, meet Eloise Ichikawa...your soon to be sister!" Masayang pahayag ni Tita Eve, napakaganda niya talaga hihihi. Laking ampunan ako kaya labis ang tuwa ko ng malaman na may aampon na sa akin kaya lang napawi ang ngiti ko ng marinig ang sinabi ng isa sa mga anak niya. "I don't want her as our sister" "RAIN THURSTON!" Saway ni Tita Eve, nakita ko ang pagtayo ng asawa niya'ng si Tito Eros mula sa pagbabasa ng diyaryo. Nakangising sinulyapan ng magkapatid na Thunder at Storm si Rain na seryosong nakatingin sa akin. "Baby, calm down...and you young man what's the meaning of this?" Mahinahon at may otoridad na tanong ng kanilang ama na si Tito Eros. Napayuko ako at labis na nakaramdam ng lungkot at pakiramdam ko maiiyak na ako. Napakaiyakin ko talaga lalo na kapag inaayawan ako at nakakarinig ng masamang salita. Bakit ayaw niya sa akin? Pangit ba ako? Dahil ba galing ako sa ampunan o dahil ayaw niya ng sampid? O dahil hindi nila ako kadugo? Tuluyan ng bumagsak ang balikat ko at ramdam ko na ang pamumuo ng luha ko. "I'm sorry Mom, Dad but I really don't like her as my little sis. I want her for myself, she's going to be mine" O___O Gulat na nag angat ako ng tingin. Haaaaa?! Mas lalong lumawak ang ngisi ng dalawa niyang kapatid. Nakangiwi ang kanilang ina at nanlalaki ang mga mata. Manghang nakatingin naman ang kanilang ama at parang proud na proud? O baka namamalikmata lang ako. At ako....nakangangang binalik ang tingin dito na hindi inaalis ang tingin sa akin at bahagyang nakakunot ang noo. "You heard that, Eloise Ichikawa? You are mine and soon I'm going to change your last name to mine and you can't do anything about that" cover made ; cadetcarswellAll Rights Reserved