Dirty City (COMPLETED)
  • Reads 8,792
  • Votes 4
  • Parts 1
  • Reads 8,792
  • Votes 4
  • Parts 1
Complete, First published Oct 17, 2017
Mature
Araw-araw may pinapatay, araw-araw may mga nagaganap na krimen. Ang Maynila na pinaninirahan ng halos labinlimang milyong Pilipino ay kasalukuyang dumadanas ng malaking krisis sa krimen. 

Napakalaking balita ito hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo! May mga sikat na pahayagan pa ngang tinawag ang syudad na ito bilang "Dirty City" dahil sa nagaganap na kabi-kabilang mga krimen.

Sa maniwala kayo at sa hindi, iisang tao lang ang nasa likod ng mga krimeng ito. Isang tuso, matalino at mautak na kriminal ang nagsisilbing ama ng lahat ng mga kriminal sa syudad. 

Gaya nga ng pagkakalarawan sa kanya, isa siyang tuso at mautak. Walang sinuman ang nakakaalam ng pagkakakilanlan niya. Kilala lamang siya sa madalas niyang pagsuot ng maskara ng isang lobo. Dahil dito, tinatawag siya ng lahat bilang "Werewolf."

Hindi lang basta-bastang kriminal itong si Werewolf. Pinapatakbo niya lang naman kasi ang pinakamalaking sindikato sa bansa na siyang responsable sa mga nagaganap na krimen sa Maynila.

Pero dumating ang araw na naka-isip ng isang solusyon ang gobyerno ng Pilipinas. Ito ay ang pagbuo ng tinatawag nilang "Dream Team" na kung saan ay magsasama-sama ang mga pinakamagagaling na Detectives ng bansa upang sugpuin ang krimen sa nasabing syudad.

Magagawa kayang linisin ng Dream Team na ito ang mga krimen sa Dirty City? Mapapabagsak ba nila ang tuso na kriminal na si Werewolf?

Kung ikaw ay papasok ng Dirty City, isa lang naman ang dapat mong tandaan. MAGING MAINGAT SA LAHAT NG PINAGKAKATIWALAAN.



This is an action-packed Detective novel.



***
This story is advisable for anyone with mature mind who can take the mature materials I used in this story.
All Rights Reserved
Table of contents

1 part

Sign up to add Dirty City (COMPLETED) to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 7
I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books) cover
Ang Mutya Ng Section E cover
I Love You, ARA  cover
Hell University (PUBLISHED) cover
The Devils Hell University (Published under Bliss Books) cover
Chasing Hell (PUBLISHED) cover
The Billionaire's Obsession cover

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)

56 parts Complete

Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwensiya at makapangyarihang gobernadorcillo. Itinadhana silang mag-ibigan na pinagtibay ng kasunduan. Nakatakda silang ikasal sa ika-dalawampung kaarawan ni Carmelita. Ngunit sa mismong araw ng kanilang engrandeng kasal ay binaril si Juanito. At hindi na nalaman pa kung sino ang may sala nito. Inakala ng lahat na doon na nagtapos ang kanilang masaklap na kuwento. Na gaya ng kanilang mga kaluluwa ay sumasalangit na rin ang naudlot na pag-iibigan nilang dalawa. Ang hindi nila alam, may ibang plano ang tadhana. The laws of nature will bend. After more than 104 years, Carmela, the fourth generation of the Montecarlos clan will be born on a leap year - sa parehong araw ng kapanganakan ni Carmelita. A short trip to San Alfonso for her 20th birthday will give her rebellious life a whimsical twist. Through a diary, she'll go back in time. And the Carmela of 2016 will meet Juanito of 1892. Next story to read after ILYS1892: 1. Our Asymptotic Love Story 2. Bride of Alfonso Book Cover by: ABS-CBN Publishing Started: June 01, 2016 Completed: April 27, 2017