Ang pag-ibig ay parang pagsakay sa LRT. Mula sa pagpila, pagpasok sa automatic gates, at sa pakikipagsiksikan sa tren. Matiyaga kang maghihintay sa pila upang makabili ng tiket. Papasok ka ng pagkadali-dali sa gate. Matapos ay maghihintay kang muli sa pagdating ng tren. Minsan, mauuna kang sumakay. Pero madalas, pagtutulakan ka ng iba upang sila ang mauna. May pagkakataong, maiiwan ka at maghihintay muli sa pagbabalik nito.
Ang pag-ibig ay nagre-require ng puspusang paghihintay. Magtiyaga ka lang at siguradong magbubunga ang lahat.