To all readers, 📌 Sinasalamin ng maikling mga "TULA" na ito ang reyalidad na sumisira sa pagmamahal ng bawat isa. Lagi nating tatandaan na ang mundo ay hindi lang lumalakad sayo,dahil halos lahat ng mga taong nabubuhay dito ay may kanya kanyang opinion na pinagbabasihan ng paraan upang mabuhay ayon sa kanilang paniniwala at sinceridad. Para sayo ang nilalaman ng librong ito hayaan mong ibahagi ko ang nalalaman ko tungkol sa reyalidad na sumisira sa katotohanang ang mundo ay isang makatwirang planeta na nilikha ng may kapal. "Wag kang matakot sumubok ng mga bagay na hindi mo pa nararanasan dahil balang araw malalaman mo rin ang dahilan kung bakit kailangan nating subukan ang isang bagay upang magtagumpay." Sa bawat pahina ng librong ito ay may iba't ibang opinion na naglalarawan sa reyalidad. Buksan mo ang iyong mga mata at palawakin ang kaisipan na magsisilbing paraan upang iyong maintindihan ang tunay na laman ng "TINATAHING KAISIPAN" Salamat mahal kong readers at maibabahagi ko sayo ang aking nalalaman basahin mo lang ang laman ng librong puro aral ang laman. -wella😊All Rights Reserved