The Hephaestus Rhythm ( Series 1 )
27 capítulos Concluído Kadiliman, ang di maipaliwanag na sobrang puot, aking kinuha ang aking sandata at tumingin sa aking tukador, lahat ay nabago sakin dahil sa isang karumaldumal na nangyari, di ko matanggap na nawala na ang pinakamamahal kong lalaki, ang taong unang tumanggap sa akin, '' buo na ba talaga ang iyong pasya?.'' tiningnan ko ang lalaking nasa likod ko, '' buhay ang kinuha buhay din ang kapalit, kailangan kong patayin ang Prinsipe para sa ikatatahimik ng aking loob.'' aking inayus ang aking damit at lalabas na sana ng aking silid ng magsalita ulit ang nakagapos na lalaki sa aking likod, tumayo ako ng matuwid habang walang reaksyon siyang tinititigan, '' kung ika'y sasabak sa labanan ay mapapahamak ang iyong anak." saad niya, " hindi ko tanggap ang batang ito kaya wala akong pakialam kong mapapahamak man siya.'' saad ko sa kanya.