Sa gitna ng isang simpleng roadtrip, hindi inakalang madadala si Rosalie (2016)-isang tipikal na millennial-sa isang paglalakbay na lampas sa panahon. Sa kanyang pagbisita sa bayan ng Bulakan, nadiskubre niya ang isang kasaysayang matagal nang nanahimik at nalimot: ang kwento ni Paulina (1899), isang dalagang nabuhay noong panahon ng digmaan ng Pilipino't Amerikano. Sa pagkakatagpo niya sa talaan ni Paulina, unti-unting nabuksan ang pinto ng nakaraan. Sa bawat pahina ng tala, lumilitaw ang mga kwento ng kabayanihan, pag-ibig, at pagdurusa-mga kwentong hindi naisulat sa opisyal na kasaysayan-maging taong tadhana ay sa kanya'y nakarugtong, si Timothy. The Untold Story of A Hero ©️2016-2017
Detail lengkap