Natatakot dahil sa mga past experience ko na pagka binigay ko lahat agad, magsawa ka sakin, na baka maisip mo na di mo kayanin na mabilisan, na isipin mong baka natuwa ka lang pero sa twing nararamdaman ko yung takot at pangamba, Doble non yung saya. Tapos naisip ko nalang bigla, walang wala yung takot kumpara sa saya na naidudulot mong kusa. At kahit Di pa man tayo nagkikita, Di naman yun yung sobrang halaga, ang importante, may pundasyon na tayong dalawa. Pundasyon na kahit kelan Di maiintindihan ng iba kase ano nga ba namang pake nila. Ang alam ko lang may mga tao talagang tinadhana at dadating yon sa panahong pinaka hindi natin inaakala. Ü