Lumilipas ang panahon, naghihintay na makamit ang tamang pagkakataon. Lumilipas ang bawat oras, naghihintay na bumalik ka sa piling ko. Siguro nga hindi na maibabalik, ngunit nagbabakasakaling maulit muli. Naulit muli, nakita kang muli, ngunit iba na ang pangyayari. Pangyayaring hindi inaasahan gaya ng iyong pagdating. Ngunit ang laro ng kapalaran ay sadyang hindi pahuhuli. Sapagkat noong ika'y aking nakita, tila nagsimula muli ang unang kabanata. -Marcellus Enrico Gallarte