" Nanalo ako. Akin ka na ngayon. " malamig na saad ng lalaking sakal sakal siya at ang sanhi ng kaniyang paghihirap ngayon. " Ako, si Haring Calix Silvestre, tinatanggap at pinipili bilang aking mate si Alpha Lucien Darus. Subalit, dahil sa ginawa niyang paghamon sa akin, sa aking awtoridad, kapangyarihan at trono. Sapagkat itinatanggi niya ako upang kaniyang maging mate, isang parusa ang aking ipapataw sa kaniya. " malamig at walang emosyon niyang anunsyo. Sandali siyang tumigil upang tignan lahat ng mga lycan na nakapalibot sa amin. Pagkatapos ay seryoso naman siyang tumitig sa akin " Sa halip na kamatayan ang iparusa ko sa kaniya base sa nakalahad sa ating batas, ay aking aalisin ang lahat ng mayroon siya. Dignidad, titulo, kapangyarihan, awtoridad at kalayaan. Simula sa araw na ito, ikaw, Lucien Darus hindi na kikilalanin bilang isang Alpha o maski isang dominante sa halip, bukod sa pagiging aking napiling mate ay isa ka na lamang alipin ko." Hatol nito na nagpanginig sa buong katawan niya dahil sa takot. Hindi iyon maaari. Hindi siya makakapayag na gawin nitong alipin! Warning: Forced Sex, Violence, dubcon Meh. The tiltle said it all. Fighting for Dominance. Eiiiii! I'm so excited to write this story! Written in Tag-Lish.
59 parts