Ewan ko kung paano ‘ko uumpisahan ang paggawa ng kalokohang diary na to. Hindi ko rin naman kasi malaman kung bakit ko naisipang gawin at isakatuparan ‘to. I’ll bet, hanggang umpisa lang ‘to. Haha. Eh sa nagtrip lang ako; nagtrip ng bagay na alam kong may maitutulong sa’kin bukod sa exercise na magagawa nito sa daliri ko para mas bumilis akong magtype. xD Pero dahil na rin naumpisahan ko na, ituloy-tuloy na natin ang lahat xD Simpleng pagkukwento ng mga pangyayari sa buhay ni Rosa hanggang sa unti-unti niyang naisisiwalat ang mga bagay na nangyari sa nakaraan niya. Iba’t-ibang uri ng kalokohan, pagrereklamo at pagbabago ng utak kasabay ng unti-unting pagbabago ng mga karakter sa kwento ng buhay niya. Kamot pisngi. Kung paano nabubuo ang mga kwento sa likod ng pimples ni Rosa at kung papaano nakakaapekto ang mga kwentong ito sa pagsabog ng mga pimples n’ya.
6 parts