Ang mga magulang ni Scott ay isa sa tinatawag na "Astral Traveler." Sila ay may kakayahang makalabas mula sa kanilang pisikal na katawan at largadong nakapaglalakbay sa lugar na tinatawag na "Astral Plane." Ngunit dahil sa aksidenteng nangyari dulot ng mga masasamang nilalang ay binawian sila ng buhay at sa kaarawan mismo ng kanilang anak. Dahil dito ay hindi na nila nagawa pang ibigay ang regalo nilang Libro at kwintas. Sa edad na disiotso, nakaranas ang binatilyong si Scott ng isang 'di pangkaraniwang panaginip sa mismong araw ng death anniversary ng kaniyang mga magulang. Ang araw din na iyon ay itinatakdang babago sa kaniyang pangkaraniwang buhay sapagkat makikilala niya ang isang matanda at babaeng gagabay at tutulong sa kanyang pagsasapalaran sa panibagong mundo na kaniyang haharapin. Sasamahan siya ng kaniyang kapwa manlalakbay kasama na roon ang kaibigan niyang sina Andrew at Kevin. Samantala, habang hindi pa nabuksan ang lugusang pilit dinadasal ng mga tao, walang kakayahan ang mga masasamang nilalang na manakit o kaya'y makapaglalakbay sa pisikal na mundo. Anu-ano kaya ang kakayahang taglay ni Scott kung bakit ito naging espesyal? Matitigilan niya ba ang mga taong pilit dinadasal ang mahikang nakapagbubukas ng lagusan? O tuluyang babalutin ang ibang mundo nang panibago?All Rights Reserved