Gusto lang naman niyang magkaroon ng simple at malayang buhay. Labas sa karangyaan at pangalan ng pamilya niya kasi pakiramdam niya ay nakakulong siya sa apelyidong Soleman. Kaya nang lumipad papuntang Pilipinas sina Maia Aira Soleman kasama ang pamilya nito ay humingi ito ng pabor. Ito ay ang mabuhay ng simple at kalimutan kahit saglit ang napag-usapan noon sa America. Sa desisyon niyang iyon ay makikilala niya at makakasalubong ang lalaking babago at magpapasaya sa gusto niyang simpleng buhay. Sirius Black Mariano, misteryoso pero hindi ganoong kaseryoso sa buhay pero nang dumating sa buhay niya ang babaeng magbabago sa takbo ng buhay niya. He changed and protect the woman with all his power hanggang maramdaman na niyang may kakaiba na. Hindi na lang ordinaryong pagkagusto lang...higit pa roon. Pero hindi naging madali ang lahat. May gugulo at gugulo ng masaya nilang buhay. Ang tinakasan noon ni Maia Aira sa nakaraan niya. Ang boy bestfriend nito na may gusto sa kanya. Zayn Vernix Sanchez. Ngunit kahit gaano pa katatag ang pagmamahal ninyo ay may bagay pa rin na gigiba o magpapatumba sayo hanggang sa panahon na ang gumawa ng paraan para magkahiwalay kayo. But destiny have its way on putting the both of them together. Pero papaano kung ayaw na ng isa sa ginugusto ng tadhana? Mag wo-work pa ba ang relasyong kinalimutan na ng panahon?
49 parts