"Iba't ibang klase ng Tula"
Ano nga ba ang tula?
Tula ang siyang saya.
Ang saya na walang makakapantay.
Kasiyahan, o kalumbay.
Dito mo ibuhos,
lahat ay aagos.
Bakit nga ba sumusulat?
Gusto at naaari ninyo bang ipagkalat?
Hindi, dahil gusto naming ilabas,
Ilabas ang kinikimkim sa papel na iwawaldas.
Pagsusulat ang makakatulong,
para makalabas sa kung saan kang matagal na nakakulong.
Kumuha ng papel, at panulat.
Ang iyong mata'y muling imulat.
Sa katotohanang, problema'y dapat harapin
'Wag kang matakot, kasama ka namin sa buong dinggin.
Maging sa aming panalangin.
Buksan ang ilaw, at simulang sumulat.
Isulat kung paano mo gagamutin ang sugat.
Isulat kung bakit mo nais iparating,
ang bawa't letrang nais mong ipaghambing.
Pagsusulat, ay nakaka-kalma
Isip mo'y lulutang nalang bigla
Akalain mong papel lang ang iyong kaharap,
matututo kanang ilaganap
Ang iyong nararamdamang mapupuno nalang ng pag asa,
Sapagkat nailabas at naisulat mo na
Ang iyong nadarama para sa bawa't salita,
na binitawan at isinulat
Akalain mong,
papel at panulat lang pala ang gamit
sa pagtawid sa nais mong makamit.
------------
So, this is my way kung paano ko sana ieexplain kung bakit ko gagawin 'to :))
If you still don't understand why,
Gusto kong magsulat ng tula because I can express my self more when i'm writing.
Merong mga bagay na hindi ko masabi even sa closest friends ko because i'm still afraid of telling them kung gaano ako kalungkot, because all I want them is to be happy.
I'm writing because I really want. Lalo na kapag sobra akong down, I just have to get a pen and a paper or even sa notes ko sa cellphone.
I'm writing poems because I want people to know that they are not alone in this fight.
at, my poems may be sometimes painful but still, it is something you can relate.
Sa mga tula ko, lagi kang dapat may matutunan ahh. That's my main goal.
-Ate X