"Tinatamad ako gumising ng maaga bukas", "dami namang gagawin", "ang init naman ng panahon" ang mga salitang yan ay kalimitan mong maririnig sa isang lalakeng nagngangalang "TONY" labing-anim na gulang na bata na nagaaral sa isang pribadong eskwelahan. Si Tony ay isang solong anak ni "DINGDONG" at "TRINIDAD" , si Tony ay malapit sa kanyang ama sapagkat halos lahat ng hingin nito ay ibinibigay ni Dingdong, ngunit hindi ito umuubra sa kanyang ina na si Trinidad. Si Trininidad ang mas madisiplina kesa kay Dingdong pagdating sa mga ganung bagay, dahil hindi matiis ni Dingdong ang kanyang nag iisang anak na si Tony.
Mabalik tayo sa mga salitang laging naririnig kay Tony. Ano nga ba ang katangian ni Tony? Si Tony ay isang batang pabaya, tamad at pasaway. Pero iilan lamang yan sa mga katangian ni Tony, mas malalaman ninyo yan sa pagpapatuloy ng kwento tungkol sa buhay ng isang batang tamad.