Halos gumuho na ang mundo ni Inah nang mawala si Luis. Lahat ng bagay ay wala ng kwenta para kay Inah, puro pagkukulong sa kwarto ang ginagawa nito at halos hindi na kumakain. But everything has changed when he met Freed, her private nurse. Simula ng tangkain ni Inah na kitilin ang buhay niya ay ito na ang nagbabantay sa kanya. She treat him cold at palagi niya itong sinusungitan. Hindi naman talaga siya masungit, nagbago lang ang lahat simula nga nang iwan siya ni Luis. Iritable siya sa lahat ng bagay pati na rin sa ibang tao lalo na kay Freed na may pagkamakulit. Ayaw niya kay Freed dahil naaalala niya si Luis dito at lalo lang siyang nahihirapan makalimot. But when Freed decided to resign as her private nurse. Narealize niya ang maraming bagay. Bigla niyang namiss ang presensya nito. Hindi kaya napa-ibig na siya nito? Ito na kaya ang bubuhay sa namatay niyang damdamin? Huli na ba ang lahat para sa kanila gayong aalis na si Freed ng bansa? -- ~ Until I Met You by Kaischii ~