Thalia Marie Victorio & Lucas Hernandez's Story "Alam kong mahirap na mapatawad mo ako dahil sa lahat ng kasalanan ko sa'yo, but I'll respect you and your decision. I just want to apologize for coming into your life. I'm sorry kasi ipinagkait ko sa'yo iyong buhay na gusto at pinapangarap mo." Namayani muli ang katahimikan sa aming dalawa bago ako humugot ng lakas para magsalita. "Aaminin ko. Ramdam ko pa din iyong sakit at pagpapahirap na dinanas ko sa iyo. May galit pa din ako pero alam mo kung ano ang natutunan ko sa mga nakalipas na taon?" Tumingin ito sa akin at ramdam ko ang bigat na dinadamdam niya. "Iyon ay ang magpatawad. Alam kong mahirap kalimutan ang lahat ng mapait na nakaraan pero sinusubukan kong umunawa. Sinusubukan kong gawin ang lahat para maging matatag para sa mga anak ko." Pinunasan ko ang mga luha ko at binigyan siya ng tipid na ngiti. Written by: sachtych