"Ikaw... Parang ulan, pabugsu-bugsu. Hindi ko malaman kung kailan darating at kung kailan din aalis. Kung kailan titila, kung kailan titigil o kung talaga bang lalakas at magtatagal. Parang ulap, pabago-bago. Di mo alam kung ang dala bay liwanag o isa na namang bagyong dala'y walang iba kundi isang pag-baha."