Kilala sa buong starmagic academy ang pangalang Maris stella Racal bilang "ogre" paano ay hindi ito tulad ng ibang estudyante na marunong mangopya,bumagsak sa exam, o ngumiti man lang. wala ring kayang humamon sa talino at kakayahan nito. Ngunit isang araw, may isang Iñigo dominic Pascual Jr. na naglakas-loob na magtama ng pronounciation nito. ang perpektong si Maris stella Racal, itinama ng isang di hamak na walang utak na heartthrob! Handa na si Maris na paghaluin ang balat sa tinalupan. Ngunit diyata't hindi lang pronunciation niya ang itinama ng damuho? Bakit tila idinamay at ni-rehab pa nito ang kanyang matigas pa sa diyamanteng puso? Sana po mag-enjoy kayo sa pagbabasa,😊😊