Minsan napapagod ang puso 'Pag hindi ito pinapakinggan Ng isang taong pilit mong pinaglaban Kulang pa hindi pa rin sapat Hanggang dumating ang araw Na wala ka nang maramdaman Hanggang dumating ang araw nag-iisa ka na lang ____________________________________________ Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. ____________________________________________ Subaybayan kung paanong nagsimula ang magandang kuwento ng pagkakaibigan ni Denrael Reven at Elvan "EV" Oltsrif na nauwi sa pag-iibigan. Hanggang saan aabot ang kanilang mga nararamdaman? Handa ba nila itong ipaglaban o hahantong ang lahat sa mapait na hiwalayan?
More details