Ano nga ba ang laban ng isang playboy sa isang playgirl na pera lang ang habol? 'Yong tipong ang hanap mong lalaki ay 'yong may apat na M na "Matandang Mayaman na Madaling Mamatay" na mag bibigay sa 'yo ng maraming pera. Ngunit ang nabingwit mo ay "Matipunong Mayaman na Mapaglaro at Mayabang" na higit pa sa pera ang kayang ibigay sa 'yo... Swerte nga ba o malas? Lalo na kay Sol, na iwas sa pag ibig dahil mas pinili ang pagiging praktikal para sa kaniyang pamilya. Magawa niya kayang pigilan ang nararamdamang atraksyon sa lalaking handang ubusin ang lahat ng yaman niya makuha lamang siya? She thinks love is just a joke. At wala siyang mapapala ro'n! Ngunit sa likod ng mga kagustuhan nilang dalawa ay ang mga mapapait na sikreto at kasinungalingan na kailangan nilang itago para lang maabot nila ang kanilang ninanais sa buhay.