Ako si Alyanna Sebastian, 'Pol' kung tawagin ng mga pinsan at kaibigan ko. Simple lang ang buhay ko. Hindi madali at lalong-lalo hindi mahirap, sakto lang. Ngunit biglang nagbago ang lahat nung nakilala ko ang isang matalino, maangas ngunit mabait na lalaki na si Andrei Saavedra. At lalo nagbago at gumulo ang buhay ko ng minsan may napanaginipan akong isang lalaki at hindi Andrei ang pangalan niya, pero parehong magaan ang loob ko sa kanilang dalawa na umabot na sa puntong ang tingin ko'y iisa lang sila.