Isang simpleng beki si Ally Salazar na may matayog na pangarap para maiahon sa dagok ng kahirapan ang kanyang pamilya. Lahat ng kanyang makakaya ay gagawin niya upang makamit ang kanyang minimithing tagumpay. Ngunit sa gitna ng kanyang pakikipagsapalaran sa buhay ay nahagip ang kanyang puso ng isang lalaking sa wari niya'y tiyak na itatanggi ang ganung klaseng pag-ibig-- si Macarius Dela Vega, na isang anak-mayaman at lalaking punong puno ng kakisigan. Paano niya mailalahad ang kanyang pag-ibig sa binata kung nasa bingit siya ng mapanghusgang lipunan na kanyang ginagalawan? May pag-asa ba ang mga katulad niya sa pag-ibig na nasusuklian? O sadyang hanggang pangarap nalang ang lalaking kanyang hinahangad?
1 part