"Mahilig ka ba sa libro?" Tanong sa akin ni Prof Hilda. "Oo naman po." Well not that much. Kailangan ko lang ng pera at mapagkakaabalahan. You don't know how my everyday life was very plain boring. "Books have life. It can change one person. It sometimes change its own." Pagkatapos nginitian niya lang ako. Napakacreepy man ng sinabi niya pero malamang, nakuha niya lang siguro ang quotes na yan sa mga librong pinagbababasa niya. Perks of a bookworm. Tch. "Kyaaa!" Nakarinig kami ni maam ng pagtili at paghulog ng ilang libro sa may bandang history section. "OMG PEPE?!" "Hmmm, something like that in an instance." Maalam na ngiti ni maam Hilda. Wala akong nagets sa sinasabi ng teacher na to kundi inaalala ko ang babaeng tumili at mukhang nakalimutan niyang nasa library siya. "Wait lang po maam. Titignan ko kung anong nangyari." Hindi ko na siya inantay magsalita at pinuntahan ang ingay. Nakita ko ang isang babaeng mukhang gulat na gulat sa librong hawak niya at nagkalat pa sa sahig ang ilang libro. "Excuse me ate." Nagbalik naman sa ulirat ang babae at nilingon ako kaagad at agad narealize ang ginagawa niya. "OMG Ate, I'm sorry, okay ililigpit ko na yung kinalat ko hehe sorry." Agad naman niyang pinulot yung mga libro. Kung titignan hindi siyang mukhang nerd or anything na near as geek ang babaeng to. Mas mukha siyang err.. b*tchy. "Okay ka lang ba dyan?" "Ahh yes. Im alright. Medyo nashock lang ako. Because Pepe is the next. " May konting kilig niyang pagpapaliwanag. Who the heck is Pepe?! And anong pakealam ko sa sinasabi niya?! "Sige lang. Mukhang ok ka naman. Maiwan na kita ate." Mukhang nasisiraan ka na kasi. Iniwan ko na siya kasama ang nakakatangang sinabi niya. Pepe. Lol.