Kung ano ang ipinagkapareho ng mga mukha nila ay ganoon din naman ang ipinagkaiba ng mga ugali nila. Kilalanin si Akie Lopez ang bright and bubbly na fashionista Si Carmela Lopez the "brain of the sisters", kaya lang maldita eh. Nariyan rin si Venise Lopez ang tagapagtanggol, o amazona ng grupo. At si Sheby Lopez ang "bookworm" at tahimik sa kanilang apat, she's the prim and proper. Apat na babaeng magkakapatid, magkakambal ay sasabak sa hamon ng buhay, at sa hamon ng pag-ibig. Magkatulad na nga sila sa pisikal na anyo, pati ba naman ang lalaking tinitibok ng kanilang puso? "Ipinanganak kang may kakambal, kaya iibig kang may karibal"? Kakayanin kaya nila ito?