Sa taong 2017 ay makikilala natin si Jose Antonio Balmaceda, isang lalaking madiskarte at pasaway na mapaglaro sa pag-ibig. Ngunit paano kung sa kanyang paggising ay may biglang nasa harapan niyang isang napakagandang dalagang naka-baro't saya na nagmula pa sa taong 1890, ang panahong nabubuhay pa si Jose Rizal at Antonio Luna na kapangalan pa niya? Hihingi ng tulong kay Jose Antonio si Clarita Guillermo, ang dalagang mula pa sa panahong 1890 na naglakbay patungong pahanong 2017, ang makabagong panahon, upang alamin ang mga bagay na nag-uugnay kay Clarita at Clarity Aguilar, ang apo sa talampakan ni Clarita at naninirahan sa makabagong panahon. Samahan natin sina Jose Antonio at Clarita sa masaya, magulo at makabuluhang pagtuklas nila sa kasaysayan at modernong panahon na kanilang ginagalawan. Author: Sairel