"Anak ng Hustisya: Hindi Lang Hustisya ang Nahanap Ko, Pati Siya"
19 parts Complete Limang taon matapos ang trahedyang bumago sa kanyang buhay, si Ally dating masayahing dalagita ay ngayo'y isang seryosong first-year college student sa kursong Bachelor of Laws. Buo ang loob niyang maging isang prosecutor, hindi lang para ipaglaban ang karapatan ng iba, kundi upang muling buksan ang kaso ng pagkamatay ng kanyang mga magulang.
Habang tinatahak niya ang landas patungo sa hustisya, makikilala niya si Maya-isang masayahing kaklase na magiging kaibigan niya sa gitna ng lungkot at pagbangon. At isang araw, sa hindi inaasahang pagkakataon, isang misteryosong binatang nagngangalang Tim ang biglang papasok sa buhay niya... matapos siyang saluhin mula sa pagkatumba-at sigalot.
Simula ito ng bangayan, asaran, at unti-unting pagtibay ng ugnayan sa pagitan ng dalawang pusong may sariling mga sugat at layunin.
Makakamit kaya ni Ally ang hustisyang matagal na niyang hinahangad? At sa gitna ng paghahanap ng katotohanan, posibleng matuklasan din niya ang pagmamahal?