"Ang obvious naman ng title!"-oops bawal judger. Now here's a question... Para sa'yo, ANO NGA BA ANG KASAL? What does it take to be married? May mga nagsasabing... Ang kasal ay para lamang sa dalawang sa taong nagmamahalan-dalawang taong handang maging parte sa buhay ng isa't isa-dalawang taong magtutulungan sa buhay-dalawang taong magsasama habang buhay-dalawang taong kamatayan lang ang makakapaghiwalay. Pero paano kung biglaan ka nalang ikakasal sa taong hindi mo naman kilala at ni minsan ay di mo pa nakita? Arrange marriage nga kung tawagin nila. Totoo kayang maaaring matutunan ang pagmamahal? Maaari kayang may mabuong pagmamahalan pagkatapos na ng kasalan? Sobrang pang wattpad naman ata ng storyang 'yan. Mapapaisip ka na lang... MAY GANUN!? Seryoso!? Walang halong bisyo!?Nagpakasal kayo kahit wala man lang ni katiting ng pagmamahal ang meron sa inyo? Parang tanga. Unlikely, but dear, not impossible. Maaari kayang mahulog ang damdamin n'yo sa isa't isa habang tumatagal ang inyong pagsasama? Now that's a different story you're about to see.