May saysay kaya ang sumubok ng isang bagay na alam mong wala rin namang patutunguhan? Hindi lahat ng pagkakataon ay mangyayari ang mga nais nating mangyari. Dahil lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan, kaya nga maraming taong nasasaktan dahil sa akala nila ay hawak na nila ang mga susunod na mangyayari...yun pala, nangyari ang mga bagay na hindi inaasahan. Pero bakit may mga taong nagpupumilit? Bakit may mga taong pilit na nilalabanan ang tadhana? Bakit pa tayo susubok kung alam naman nating walang patutunguhan? Ganun na ba tayo katanga sa pag-ibig at hinahayaan nating mabulag tayo nito? Siguro nga ganun talaga ang pag-ibig. Wala e, mahal mo. Anong laban mo sa nararamdaman mo?