Isang kilalang socialite sa bansa si Paris Del Roman. Sa kabila ng taglay niyang kagandahan at magandang buhay na tinatamasa ay nanatiling lihim sa lahat ang tungkol sa madilim niyang nakaraan. Lumaki siya sa lansangan at natutong magnakaw sa napakabatang edad. Sa tulong ng isang matandang lalaki ay nagawa niyang baguhin ang takbo ng buhay niya. Itinuring siya nitong parang isang tunay na anak. Ngunit wala pa siyang isang taon sa poder nito ay isang pangyayari ang kamuntik nang sumira sa buhay niya. May ipinainom sa kaniyang alak ang lalaking kadate niya at huli na nang matuklasan niya na may inilagay pala itong gamot sa inumin niya. Tumakas siya sa party habang nararamdaman niya ang epekto ng gamot sa katawan niya. Nag iinit ang pakiramdam niya at ang tanging paraan lang para mapawi ang init na iyon ay ang makipagtalik siya sa isang lalaki, kay Kiel. Isang gabi nang pagkalimot, iyon ang nangyari sa kanila ni Kiel. Pinilit siya nitong magpakasal pero naging matindi ang pagtutol niya. Ipinamukha niya dito na hindi niya ito gusto dahil maliban sa tauhan lang ito ng daddy Moises niya ay ayaw na rin niyang bumalik pa sa hirap. Pagkalipas ng maraming taon ay muling nagkrus ang mga landas nila. Dahil sa kalokohang ginawa niya ay kay Kiel siya ipinagkatiwala ng daddy niya. Nawala ang yaman na tinatamasa niya. Ang magagarang damit at mamahaling mga alahas niya. Para siyang bumalik ulit sa hirap sa isang kisapmata lang. Kailangan daw siyang maturuan ni Kiel kung papaano mamuhay ng simple at matutong kalimutan ang pagiging sosyal niya. Ayos lang naman sana sa kaniya iyon, pero biglang naiba ang usapan ng isang araw ay matuklasan niya na pati ang puso niya ay tinuruan na rin nitong magmahal...All Rights Reserved