Paano kung sa isang punto ng buhay mo ay siniraan ka ng ibang tao? At naniwala sa kanya ang mahahalagang tao sa buhay mo.. Kahit ang pinakamamahal mo di ka pinaniwalaan. At pinagtabuyan ka. Sinabihan ng masasakit na salita na talagang dumurog sa puso mo. Nawala na lahat ng taong nagpapasaya at nagmamahal sayo kaya kahit masakit pinili mo nalang na lumayo at magsimula ng panibago na wala sa tabi mo ni isa sa mga taong mahalaga sayo. Pano kung sa paglayo mo .. Saka lang nila nalaman ang totoo. Hinanap ka nila pero pinili mo nalang na mamuhay mag-isa na malayo sa kanila. Lumipas ang ilang taon at bumalik ka sa lugar kung saan ka nagdusa, kung saan mo naramdaman lahat ng sakit. Bumalik ka para pagbayarin ang taong sumira sayo. Pano kung nagkita ulit kayo ng mga taong dating mahalaga sayo? Kaya mo bang magpatawad? Kaya mo bang kalimutan ang sakit na dinanas mo? Pano kung nagkita ulit kayo ng lalaking dating pinakamamahal mo? Magbabalik ba ang dating pagmamahalan? o Sa ibang tao na nakalaan ang puso.. ................. Ang dami ng tanong.. haha Unang story ko po ito. Sana magustuhan nyo😊😊