Ansakit umasa sa wala noh? Yung tipong ginawa mo na nga lahat pero para sa kanya balewala ka parin, naranasan mo na ba? Mag akalang may parte ka sa buhay niya? Mag akalang may oras siya sayo? Mag akalang ikaw dahilan ng kislap ng kanyang mga mata? Tila pag ngiti ay nahuhumaling ka, na akala mo ikaw ang rason ng mga bagay na yun! Mag akalang balang araw mapapasaya mo siya! Mag akalang balaw araw makakasama mo siya ng hindi ng lilimos ng oras niya! Mag akalang balang araw ako ang mag aaruga sa kanya! Ako ang gagabay sa kanya! Ako ang magiging inspirasyon nya! Ako ang bubuo ng araw niya! Ako ang yayakap sa kanya tuwing nasasaktan siya! Na ako ang papahid sa mga luha niya pag nagdudusa siya! Na ako ang gagawa ng suprisa para mapasaya siya! Na ako ang taong hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya! May puwang kaya ako sa puso niya? May pag-asa kayang mahalin niya ko tulad ng pagmamahal ko sa kanya? O, hanggang asa na lang ako sa kanya? Hanggang hanggad nalang ako sa bagay na malabo mangyari? Hanggang akala sa bagay na walang kasiguraduan. Mananatili na lang ba ako sa dilim? Na nangangapa ng liwanag na mag lalabas sakin sa kadiliman. Hanggang saan ako aasa? Hanggang saan ako kakapit? Hanggng kelan ako magiging ganito? Sana hindi dumating yung araw na, susuko nako sayo, at doon mo lang ma re-realize na may halaga pala ako sa buhay mo.