
PROLOGUE "Alam mo kung gaano kita kamahal Patrcia! Sa sobrang pagmamahal ko sayo lahat ng gusto mo ibibigay ko. Wag lang ang iwan ka. Nakikiusap ako. Dahil kung mawawala ka sakin paano ko pa maibibigay lahat ng gusto mo kung mawawalan na ko ng ganang mabuhay? You are my strength. You are my weakness. You're not just the part of my life, YOU ARE MY LIFE." Parang may napakalamig na palad ang dumampi sa puso ko at unti unting pumiga noon na sa sobrang higpit ay pakiramdam ko hindi na ko makahinga sa sobrang sakit. Panay lang ang tulo ng luha ko. "H-hindi ko na kase kaya Paulo, mas masasaktan tayo kung patatagalin natin ito. Sa paglipas ng panahon sabay din ng pagbabago ng mga priority natin sa buhay. Mahal kita Paulo, pero sa pagmamahal na yon nawawala ako sa huwisyo. Ayoko non Paulo, ayoko na Paulo" Kahit na nanginginig ang tuhod ko ay pilit kong tumayo para maka layo sakanya dahil kung hindi ay baka hindi ko mapigilan ang sarili kong tumakbo pabalik sakanya. Ng makalabas ako ay tumulo muli ang luha ko ng makita ko mula sa fiber glass kung paano tumulo ang luha ni Paulo at mapait na ngumiti. --- Dalawang taon ang lumipas. Muli syang nagbalik at nangunguhulgan na muli na namang gumuho ang pader na binuo ko saking puso. Muling tumibok, nabuhayan, umasa. Pero wala na atang pag-asa? Ginawa ko ang lahat para makuha siya. Para mahalin nya ulit ako pero matigas na ang kanyang puso. Napakatigas at napakasakit nito para sakin. "Ano na ang nangyari sayo Paulo? Ano na ang nangyari satin?" Ngumisi sya sakin. "You made it happened" At hinawakan nya ang aking kamay na nakahawak sa braso nya at marahas na tinanggal yon. "Hindi ako umuwe para bumalik sayo Patricia. Andito ako para bumalik sa buhay ko na dati, buhay na wala ka." --- Who wants Second Story?Hak Cipta Terpelihara
1 bahagian