Ako si Barbara "Bambi" Castuera. Nabuhay ako ng punong puno ng pagmamahal ng dahil sa mga magulang ko. Masaya ako sa piling ng mga magulang ko. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Pero hindi naman ako spoiled bratt kagaya ng iba. Nag iisa lang akong anak ng mommy at daddy ko. Kung kaya, lahat ng gustuhin ko ay ibinibigay nila. Tahimik lamang ang buhay ko. Aral bahay lang ang ginagawa ko. Hindi ako masyadong gala. Siguro nga dahil napalaki akong disiplinado ng mga magulang ko. Pero lahat yata ng iyon ay nakalimutan ko simula nung lumipat kami sa Maynila. At dahil sa paglipat naming iyon ay makikilala ko ang unang lalaking iibigin ko.