Sa ilalim ng mapanlinlang na liwanag ng gabi, umusbong ang pangalan ni Cathaleya isang babaeng kasingganda ng bulaklak ngunit kasinglalim ng sugat na iniwan ng nakaraan. Sa bawat patak ng ulan, may kasamang paghingi ng tawad; sa bawat putok ng baril, may panata ng paghihiganti.
Lumaki siya sa mga kamay ng mga madre, pinalaki sa pananampalataya, ngunit sinumpa ng kasalanan ng mundo. Ang kanyang mga magulang ay pinaslang ng mga terorista, at sa paglipas ng panahon, natutunan niyang yakapin ang dilim na minsan ay kinatatakutan niya. Sa ilalim ng alyas na "Ms. Quisto," naglakbay siya sa mga lungsod ng liwanag at kadiliman, taglay ang misyon na burahin ang mga pangalan sa listahan ng mga nagwasak sa kanyang buhay.
Ngunit sa bawat pagkitil niya ng buhay, unti-unting nabubura rin ang kanyang pagkatao. Sa pag-usbong ng imbestigasyon ni Diego, isang matalinong opisyal na tila hinahatak ng tadhana patungo sa kanya, nagsimulang mabunyag ang mga lihim na matagal nang inilibing ng simbahan, ng gobyerno, at ng kanyang sariling konsensya.
Habang papalapit ang dalawang kaluluwa sa isa't isa ang isa'y naghahanap ng katarungan, ang isa'y naghahangad ng kapatawaran mas lalong humahapdi ang tanong: Hanggang saan ang kabayaran ng paghihiganti, at may kaligtasan pa ba sa mga kamay ng makasalanan?
Sa pagitan ng dasal at bala, ng dugo at ulan, sumisiklab ang kwento ng isang babaeng minahal ng gabi at kinatatakutan ng liwanag.
Isang kwentong magpapatanong sa'yo kung sino talaga ang banal at sino ang demonyo.
Two souls were bound to meet, but never meant to be together.
For a sin they did not commit, they were the ones who would bear the consequences.
She loved him too deeply to watch him suffer again, so to break the curse that bound him,
she chose to vanish from the world that tied them together.
With nothing left to give but a new life,
she danced not for herself, but for his freedom.
7/2/23-8/16/23
Former Title: One Last Dance With You
The photo I used is not mine.
📌Pinterest