4 parts Complete **Katrina at William**-hindi na bago sa isa't isa.
Magkababata sila. Magkapitbahay pa nga dati. Yung tipo ng relasyon na nagsimula sa taguan, teks, at paligsahan kung sinong mas maraming Yakult na kayang inumin nang walang hingahan.
Pero habang lumaki sila, **nagbago rin ang laro.** Mula sa taguan sa kalsada, naging **paligsahan sa grades, sa sports, at kung sino ang mas matalino, mas magaling, mas mabilis sumagot sa recitation.** Parang palaging may unofficial scoreboard na walang gustong matalo.
They're not enemies in the *I-hate-you* kind of way. **More like... rivals na may konting asar, may konting kilig, at maraming unspoken things na pareho nilang ayaw pag-usapan.**
Sanay na sila sa asaran. Si Katrina, tatawagin si William na "campus egoball" kapag masyado itong confident. Si William naman, tatawagin si Katrina na "Miss Perfect" tuwing nagta-top na naman siya sa quiz. Pero pag may ibang nanira sa isa sa kanila? **Lagot.**
May mga moments na para bang ang gaan ng usapan nila-almost too natural. Tapos biglang may tension. 'Yung mga mata nilang parang nagkakabanggaan pero ayaw magpatalo.
**They know each other. Too well, even.** At minsan, 'yun ang nakakatakot.