Hindi makapaniwala si Blossom na tuluyan nang mauubos ang pasensiya sa kaniya ng lolo Calixto niya. Laking gulat niya nang sabihin nito na ikinuha daw siya nito ng bodyguard na siyang magbabantay sa kaniya, twenty four--seven. Mas lalo pang nadagdagan ang inis niya nang makilala na niya ang bodyguard niya. Ang lalaking may kulay berdeng mga mata na si Claud. Kulang ang salitang 'gwapo' kung ide-describe niya ito, aminado naman siya sa bagay na iyon. Pero mas tuod pa ito sa robot at ang mas nakakainis ay parang walang dating sa lalaki ang beauty niya! Pero sa kabila nang pagpapahirap niya ay parang wala naman iyon epekto kay Claud. Madalas pa nga ay pinagtatakpan siya nito sa lolo niya. Ang sabi ng iba ay hindi daw posible na magkagusto ang isang prinsesang katulad niya sa isang katulad ni Claud. Pero hindi naman niya mapigilan ang puso niya na mahalin ito. At kung may hero at heroine ay may kontrabida din. Ang akala ni Blossom ay ang lolo niya ang magiging malaking problema sa pagmamahalan nila ni Claud, hindi pala. Nakialam ang tadhana at sinubok ang tiwala nila sa isa't isa. Pagkalipas ng ilang taon ay muli silang nagkita ni Claud. Dapat na ba niyang aminin dito ang buong katotohanan nang paglayo niya noon o hahayaan na lang ito lalo pa at alam niya na hindi na siya ang prinsesa na nababagay kay Claud?All Rights Reserved