28 parts Ongoing Naniniwala ba kayo sa forever? Sabi nila wala naman daw talagang forever, sa mga fairytale stories, novel books, romance pocketbooks at love story movies lang pinapakita na may forever. Isa sa mga believer na wala talagang forever ay ang mga bitter. Bakit kamo? Kasi sila yung mga nakaranas na magmahal ng wagas na nauna na din naniwala sa forever love pero nung nawala na sa kanila ang taong nagpaniwala sa kanila nito ay gumuho na din ang paniniwala nila na may forever nga. Dahil din sa mga bitter sa love, eh nauso na ang mga hugot lines na kahit saan ata maririnig mo at pati mga simpleng bagay ay nagagawa ding hugutan ng mga taong sawi sa pag-ibig.
Para sa aking sariling pananaw meron talagang forever. Minsan na din naman akong nasaktan at nakaranas na maging bitter, pero kahit ganon naniniwala pa din ako na may forever, minsan man tayong masaktan, alam kong sa dinami dami ng tao dito sa mundo ay may ka meant to be ako na masasabi kong siya na nga ang aking "The One" na mag stay sa tabi ko forever.