"Sa puso ko, ligtas ka."
Perfect ang buhay ni Harmony-mula sa pamilya, trabaho, at pati love life. Pero nagbago iyon nang iwan siya ng kanyang boyfriend para sa ibang babae.
Buong buhay niya, minsan lang siyang nagpakawala at nagpakalasing para sandaling makalimutan ang pagiging brokenhearted. Pero noon din niya nakilala ang lalaking magiging daan para muling tumibok ang kanyang puso.
Si Ryan Mendez. Nakilala ito ni Harmony sa kakatwang paraan. Sumakay siya sa taksing sinasakyan nito. Dahil lasing siya at hindi alam kung saan siya dadalhin, dinala siya ng lalaki sa bahay nito.
Doon nagsimulang maranasan ni Harmony ang isang uri ng pag-ibig-pag-ibig na makulit, magulo, at complicated-sa piling ni Ryan. Natatakot siya-na baka muling mabigo.
Pero mukhang seryoso si Ryan na mabingwit ang kanyang puso at dalhin siya sa harap ng altar.
Nakumbinsi naman siya, handa nang muling sumugal sa pag-ibig, nang umeksena si Jessy, ang babaeng naging fiancée raw ni Ryan.
Mukhang iiyak na naman si Harmony. For the second time, her heart was broken. But this time, it would take a long time for it to heal...
Unconditional Love (COMPLETED)[Published under PHR]
10 parts Complete
10 parts
Complete
"Na hindi naman pala masama ang magdamot. Lalo na kung 'yong taong pinagdadamot mo ay ang taong mahal mo."
Maagang namatay ang mga magulang nila ni Vassyleen dahil sa isang car accident. Kaya mag-isa niyang pinalaki ang kapatid na si Valerie. Matindi ang trauma na dinanas nito dahil sa aksidenteng iyon. Kaya nong gumaling ito ay iniwasan na ni Vassyleen na bigyan ito ng dahilan para muling malugmok. Ginawa at ibinigay niya lahat kay Valerie. Pati ang sariling kaligayahan ay kinalimutan na niya. Kaya nang minsang mabigo ito sa pag-ibig at nagtangkang magpakamatay ay namuhi siya sa lalaking nagpaiyak sa kapatid niya.
Hanggang sa mapadpad siya sa probinsiya ng Baler. Doon niya natagpuan ang lalaking kumumpleto sa buhay niya-si Klyv. Ipinaramdam nito sa kaniya ang pag-aalaga at pagmamahal na kahit kailan ay hindi niya naranasan. Dahil doon kaya minahal niya ang binata. Malapit na sana silang magkaroon ng