"Ang ahas kahit ilang beses pang magpalit ng balat ahas pa rin, parang ikaw kahit gaano pa kadisente yang suot mo malandi ka pa rin." puno ng pang-uuyam kong sabi. "Kung malandi ako isa ka ring ahas gaya nga ng sabi mo kahit magpalit ng balat ang ahas, ahas pa rin! And now look at you kahit ibang-iba ka na ahas ka pa din, na noon ay isang maliit na ahas na ngayon ay isa ng anaconda!" pang-iinsulto niya sa akin. "Oh my my my. Tsk tsk. Oh dear!" napapatawa kong reaksyon sa kanyang mga sinabi. "At anong nakakatawa sa mga sinabi ko?" galit na nitong tanong. "Kung isa akong anaconda, well atleast im a genuinely snake skin leather na pwedeng irampa ng mga modelo sa runway hindi gaya ng tulad mo na imitation lang na made of synthetic plastic materials." mapang-insulto kong balik sa kanyang pang-iinsulto sa akin. "And oh! R.I.P. Carla. But I doubt it kung makakapagpahinga ka sa langit baka nga pala sa impyerno ka dalhin dahil sa halang mong kaluluwa! Toodles!" at binigyan ko siya ng isang nakakapan-insultong ngiti sabay birada ng alis.
2 parts