Siya si Sunny Velasco, ano pa nga ba ang ibig-sabihin ng Sunny? Syempre, isa siyang masigla at super masayahin na bata. Ngunit dahil sa pagkawala ng kuya at mga magulang niya, maaga siyang naging ulila. Nagsimula maging tahimik, hindi palakibo at higit sa lahat ay mapag-isa. Pero bumalik siya sa normal nang makilala niya ang "superhero" niya. Gwapo! Sobrang bango! Matangkad! Mukhang model! Mabait pero masungit! At higit sa lahat, siya lang naman ang nag-iisang super hero ko! Mauubos na lahat ng adjectives pero hindi yata mauubos kung pano niya i-dedescribe ang nag-iisang superhero niya. GUSTO NIYANG MAPANSIN ng kanyang superhero at kahit ano gagawin, lahat pati na mga kabaliwan para magustuhan siya nito. Pero ano nga ba ang mangyayari sa kanyang kwento kung umpisa palang tapos na ito? Nang isang araw biglang naaksidente si Sunny at magulat na isa nalang siyang multo? Mapapansin pa nga ba siya ng tinatawag niya na 'superhero' at magsimula ang pangarap niyang love story kasama nito? Samahan natin si Sunny at sa kanyang kwento na puno ng kulay, kakatawanan at tiyak na iibigin mo. ★★★ © 2017 || Shatterheart06 (11/12/17)